Canada, Magbubukas Ng Trabaho Para Sa Mga Pinoy Workers Na Sasahod Ng P80K to P300k Kada Buwan 2023

Canada-Magbubukas-Ng-Trabaho-Para-Sa-Mga-Pinoy-Workers-Na-Sasahod-Ng-P80K-to-P300k-Kada-Buwan-2023

Para sa mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa abroad, mayroong magandang balita ang dumating na ang Canada ay magbubukas ng trabaho sa Canada para sa mga Pinoy na nais magtrabaho at sila ay maaaring makakuha ng sahod na P80,000 hanggang P300,000.

Kamakailan lamang, inutusan ng Labor Secretary na si Silvestre Bello III na madaliin ang pag-ayos ng mga kinakailangan gawin ng ahensya upang makapagpadala kaagad ng mga Pinoy na nais tanggapin ang trabaho na ina-alok ng Canada.

Read also: Hiling ng mga Senior Citizens, Lifetime Validity ng Philippine Passport 2023

Sa isang pahayag na ginawa ni Bello, na siya ding nagpunta sa Canada kamakailan lamang, inanunsyo niya na siya ay pumirma na sa isang joint communique kasama na din ang ibang opisyal ng Yukon, Canada para sa pagpunta ng nasa 2,000 na Pinoy na kumuha ng trabaho sa bansa bawat taon.

Sa-isang-pahayag-na-ginawa-ni-Bello

Saad ni Bello, “Naglalaman ang joint communique sa Yukon, Canada ng kanilang hiling para sa 2,000 skilled worker kada taon.”

“Ang mga Pilipino doon ay very prosperous, at very happy. Kinausap ko ang bawat isa sa kanila, at lahat sila ay masaya at well taken care of.” pagpapatuloy niya

Ang sahod naman na makukuha ng mga Pinoy workers ay nasa P80,000 hanggang P300,000 para sa trabahong bilang caregiver, nurse, call center agent, chef, heavy equipment operator, engineer, cook at iba pang trabaho,

Ang-sahod-naman-na-makukuha-ng-mga-Pinoy-workers-ay-nasa-P80000

Ang mga Pinoy na magtatrabaho sa Canada ay maaari ding dalhin ang kanilang pamilya doon,

“Mas gusto ng mga Canadian ang mga Pilipinong manggagawa dahil sa kalidad ng trabaho at sipag nating mga Pinoy. Mahalaga rin sa kanila ang family bond, kaya naman hinihikayat nila ang mga manggagawa na isama ang kani-kanilang mga pamilya sa Canada at tutulungan silang makapasok sa nasabing bansa.”

Ngunit, ang mga kwalipikasyon upang makapasok ng trabaho sa Canada ay dapat may sapat na pagsasanay, mahusay o sanay sa salitang Ingles, physically at mentally fit, at may papasukan na trabaho na nakaalinsunod sa kanilang job degree.

Mas-gusto-ng-mga-Canadian-ang-mga-Pilipinong-manggagawa

Inutusan din ng opisyal na pamadaliin ang deployment ng mga mangagagawa sa Yukon sa Administrator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos ang naging pirmahan sa nasabing kasunduan na naganap.

Para naman sa mga magtatrabaho sa Toronto at Vancouver, inatasan din ni Bello na padaliin ang proseso ng mga Overseas Employment Certificate (OEC).

Read also: Physician Licensure Exam Topnotcher, Mas Piniling Magsilbi At Tumulong Sa Mga Taga Bundok 2023

Pahayag din ni Bello na ang mga opisyal ng Yukon ay naghahanda na sa pagpirma o paglagda sa isang bilateral agreement nang sa gayon ay maging pormal na ang pagpunta ng mga Pinoy workers sa Yukon, Canada.

Hiling din ng kalihim na sana ito ay magpunta sa bansa upang dito na din gawin ang pirmahan para sa kasunduan.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section