Doktor, Nagbigay Ng Tips Kung Anong Mosquito Repellent Ang Mabisa Laban Sa Lamok Dengge

Ang-Mabisa-Laban-Sa-Lamok-Dengue-203

Ang lamok ay isa sa mga pinakadelikadong hayop sa buong mundo dahil ito ay maaaring makapatay ng libo libong tao sa buong mundo. At dito sa Pilipinas, ang Malarya at Dengge ang maaari nating makuha sa lamok.

At syempre, marami sa atin ang nagtatanong kung ano nga ba ang magandang gabitin na mosquito repellant.

Read also: Control Blood Sugar, Prevent Heart Diseases And Enjoy An Array Of Nutrients By Eating Green Peas 2023

Ibinigay ni Dr. Richard Mata ang ilang mosquito repellant na kaniyang nakikita sa bansa:

1. Off Lotion (with DEET)
2. Citronella lotion or spray (DEET free)
3. Citronella bracelets (DEET free)
4. Citronella sticker badges (DEET free)

Citronella-sticker-badges

Sa kaniyang Facebook page, ibinahagi din niya kung ano ang ibig sabihin ng DEEP kung saan sinabi niya na mayroon itong chemical na tinatawag na N, N-Diethyl-meta-toluamide. Sinabi din niya ang DEET ang pinakamabisang repellant para sa mga lamot at iba pang mga insekto.

Sinabi din ni Dr. Mata na huwag ng magtaka ang mga tao dahil ang DEET talaga ay mayroong side effect. Ngunit, kahit ganoon, wala pa siyang nababalitaan na mayroon na itong na nakasama sa kanilang katawan.

Ngunit, sinabi niya na mas mabisa ang DEET na gamitin kompara sa Citronella dahil ang DEET ay mas matagal nawawala ang bisa katulad na lamang ng 15% ng Off Lotion kung saan ito ay tatagal ng 6-8 na oras.

Saad din niya na ang DEET ay puwedeng gamitin ng less than 30% para sa mga bata.

Saad-din-niya-na-ang -EET

Nagbigay din siya ng apat na tips paano gamitin ang Off Lotion:

1. Bawal sa 2 months and below
2. Bawal sa balat na nasa ilalim ng damit. Sa balat lang na air exposed. Pwede nama over ng damit.
3. Bawal sa may mga sugat or allergy na area.
4. Pwede naman konte sa mukha, wag lang palibot ng mata at labi.

Sa dulo ng kaniyang post, sinabi ni Dr. Mata na DEET ang ginagamit nila dahil sila ay nasa tropical na country ngunit ang mga lugar na katulad ng US ay maaaring gumamit ng Citronella.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section