Ang mga Filipino ay kilala bilang isang mapagmahal, sweet, mapag-alaga, at marespeto sa kapwa. Siguro, marami na sa atin ang nagiging saksi kung gaano ka-alaga at karespeto ang ating mga kapwa Filipino na talaga namang ating hinahangaan.
Katulad na lamang ng ipinakita ng viral video na ito na talagang umantig sa maraming mga netizen.
Ang dashcam na videong ito ay nakuhanan ng isang netizen na si Erwin Palomar kung saan ito ay binahagi ng Facebook page na Philippine Star at ito ay kumalat sa iba't ibang social media platforms.
Read also: Nakakamanghang House Makeover Ginawa Ng Isang Pamilya Sa Kanilang Maliit Na Tahanan 2023
Makikita sa viral video na mayroong isang lalaki na naglalakad, makalipas lamang ang ilang segundo, mayroong isang bata na tumatakbo at hinahabol siya para humalik sa pisngi ng lalaki at para na rin siguro magpaalam marahil dahil pupunta ang lalaki sa kaniyang trabaho.
Matapos umalis ng batang babae, nagpatuloy ulit sa paglalakad ang lalaki, kasunod lamang nitong tumatakbo ang isa pang batang babae kung saan ginawaran din niya ng halik sa pisngi ang lalaki at marahil ay nagpapaalam din. Matapos nito, tumakbo na ang batang babae at nagpatuloy naman sa paglalakad ang lalaki.
Nakuhanan daw ang videong ito sa Sta. Mesa Manila noong Biyernes nang umaga. Nilagyan din ito ng caption na,
“Sweetest dashcam video clip you just might see today.”
Sa kabilang banda, marami sa ating mga netizens ang natuwa at naantig ang puso sa nasabing video. Ito ay mayroon ng 20,000 reaction, 938 comments, at higit sa 3,000 shares mula sa mga netizens.
Read also: Doktor, Nagbigay Ng Tips Kung Anong Mosquito Repellent Ang Mabisa Laban Sa Lamok Dengge
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
"So simple way of showing love for family but means a lot"
" Kiss from papa. You'll never know if that's the last, So make it while u still have the opportunity to do so."
"Cgurado ulirang ama yan kya mahal xa ng mga anak nya.."
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
"So simple way of showing love for family but means a lot"
" Kiss from papa. You'll never know if that's the last, So make it while u still have the opportunity to do so."
"Cgurado ulirang ama yan kya mahal xa ng mga anak nya.."