5 Beauty Tips Para mas Gumanda ang ating Kutis 2023

Limang-Beauty-Tips-Para-mas-Gumanda-ang-ating-Kutis-2022

 Huwag na natin patagalin, umpisahan na natin, narito ang 5 tips para lalong gumanda ang iyong kutis.

1. Panatilihing malinis ang ating balat - Para mapanatiling malinis ang ating balat, huwag matulog nang hindi inaalis ang iyong make-up at hugasan ang iyong mukha dalawang beses sa isang araw.

Ayon kay Dr. Montesa, gumamit ng micellar water o make-up remover na mabibili sa mga beauty counters o sa inyong dermatologist.

Read also: What are the Principles of Infection 2023

Iwasan umano ang paggamit ng mga alcohol-bases make-up remover o oil-based, dahil ito daw ay pwede maging sanhi ng pagbabara ng pores ng balat.

2. Matapos maglagay ng pampaputi sa balat, iwasang magpaaraw. Mag ingat din bumili ng mga whitening treatments, dahil maraming nabibiling white treatments na hindi aprobado ng FDA at pwede ito maging sanhi ng pangingitim ng balat.

Ayon kay Dr. Montesa, ang pagpapaputi ay karaniwang ginagawa lamang sa isa o dalawang beses sa isang taon. Kung sumailalim ka sa mga ganitong treatment, dapat umano iwasang maarawan ng tatlong araw hanggang isang linggo.

3. Protektahan ang balat para hindi tumanda ng maaga - Maglagay ng sunblock na may SPF 30 o higit pa, kailangan maglagay nito kada dalawang oras lalo na kung ikaw ay nakabilad sa araw o kung ikaw ay nasa beach o dagat.

Kahit alas 7 o 8 ng umaaga ay matindi na ang sikat ng araw, kaya palaging maglagay ng sunscreen kapag lalabas ng bahay.

5 Beauty Tips Para mas Gumanda

4. Bago bumili ng mga product para sa ating balat ay alamin muna ang uri ng iyong balat - Meron umanong limang uri ng balat-normal

  • Hindi malangis at hindi rin nanunuyo
  • Dry o nanunuyo
  • oily o malangis
  • Madaling magkaroon ng acne at blackheads
  • Combination oily sa T-zon, tuyo sa pisngi at sensitibo

Kung ang iyong balat ay sensitibo, iwasan gumamit ng production mayroon alcohol, huwag gumamit ng isang product kung ikaw ay nakakaramdam ng stinging sensation.

Hugasan kaagad ang iyong mukha kung ikaw may naipahid kang ganitong product sa iyong mukha.

Kung ang iyong balat naman ay nanunuyo, gumamit ng magandang klaseng moisturizer. Iwasan umano ang mga productong mayroong peeling products o pabango o yong productong nagiging sanhi ng pagbabalat.

Read also: Keep Your Eyes Healthy, Eat These Foods 2023

Para sa mga malangis o oily na balat o yong mga mabilis tagyawatin, inirerekmoneda ang mga productong may anti-bacterial cream o alpha hydroxy.

5. Mas maiging kumonsulta muna sa isang dermatologist - huwag mag-atubiling magpunta sa isang dermatologist kung mayroon kang mgap roblema sa balat.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section