Isang Teacher, Naghintay Ng 7 Taon Sa Kaniyang 13 Taon Na Estudyante Upang Pakasalan Ito!


Talaga nga namang hindi natin malalaman o matutukoy kung kailan tayo matatamaan ng pag-ibig at kung sino ang darating para sa atin. May pagkakataon na hindi natin malalaman kung kailan ito darating at susulpot sa atin. Ito ang pinatunayan ng dalawang magkasintahan na ito na sina Erwin Pangalia at Vinda Virginia.

Ang dalawang ito na mula pa sa Indonesia ay natagpuan ang kanilang pag-ibig para sa isa’t isa na kung saan nagdala rin sa kanila na humarap sa altar ng magkasama.

Ayon sa reports, dating guro ni Vinda si Erwin Pangalia noong ito ay High School pa lamang. Noon pa man, mayroon ng kakaibang nararamdaman si Vinda para sa gurong si Erwin at hindi nga nagtagal ay unti unti na ring nahulog ang kaniyang loob dito at hindi na niya ito napigilan.


Dahil din nais niyang makuha ang atensyon ni Erwin, may pagkakataon na siya ay nanatili pa rin sa tabi nito kahit na tapos na ang klase nila.

Hindi din naman nagtagal at nakuha din niya ang puso ni Erwin at nainlove ito sa kaniya dahil na rin nga sa kaniyang kakulitan na pagtatanong dito ng paulit ulit tungkol sa kanilang klase at pagpapatulong dito sa kaniyang pag-aaral.


Marami naman sa mga netizens ang hinusgahan ang pagmamahalan ng dalawa at sinasabi na hindi sila nababagay dahil ang kanilang relasyon ay hindi naaayon at hindi normal. Ngunit sa kabila ng mga panghuhusga na kanilang naririnig, hindi nila pinansin ang sinasabi ng iba bagkus pinagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan. Kailanman ay hindi nila ikinahiya ang kanilang relasyon. Ibinabahagi din nila ang kanilang larawan na dalawa na magkasama.

Makikita sa ilang mga larawan na ang dalawa ay nagde-date pa habang si Vinda ay nakasuot ng high school uniform nito.


At sa wakas, matapos ang pitong taon ng pagiging magkasintahan, sina Erwin at Vinda ay ikinasal na at ngayon ay ganap na na mag-asawa.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section