Rosmar, inspirasyon si Diwata kaya ginaya ang pares overload


Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-uusap o sagutan nina Rosmar Tan at Diwata tungkol sa pares overload.

Kamakailan lang ay ibinida ni Rosmar sa kanyang social media ang bago nitong negosyo, ngunit pamilyar sa maraming netizens ang negosyo ni Rosmar dahil katulad ito sa trending negosyo ni Diwata, ang Pares Overload.

Dito na nagsimula na makatanggap ng maraming batikos si Rosmar mula sa netizens dahil ginagaya umano nito ang patok na negosyo ni Diwata.

Sa halagang P100 ay may kasama ng lechon kawali at bulaklak, unli rice, unli sabaw, at softdrink ang kanilang pares.

But there’s more! Dahil may kasama rin itong unli swimming, at pwede pang gamitin ng mga bibili ang amenities ng kanilang resort gaya ng playground, basketball arcade, at beer pong.

Matatagpuan ang Rosmar Pares Overload sa R Mansion Resort & Restobar sa Calauan, Laguna.

Bukas ito mula 10 am hanggang 12 am tuwing weekdays habang 10 am naman hanggang 2 am tuwing weekends.

Marami rin ang nagsabing “walang originality” o gaya-gaya si Rosmar kay Diwata.

Giit nila, sana raw ay hindi na tinapatan ni Rosmar ang paresan ni Diwata dahil mayaman na raw siya.

Agad namang nagsalita si Rosmar hinggil sa isyu at iginiit niyang negosyante lang siya.

Aminado rin siyang nakuha niya ang ideya ng kanyang paresan mula sa trending pares overload ni Diwata.

Ayon pa kay Rosmar, noon pa raw talaga niya gustong magnegosyo ng paresan kaya lang ay hindi raw ito matuloy-tuloy dahil nasi-stress siya dahil matagal daw magpalambot ng beef.

Pero nang makita raw niya na lechon kawali ang ginagamit na karne ni Diwata sa kanyang paresan ay doon na raw siya nabuhayan ng loob.

Ikwenento rin ni Rosmar na nasabi na niya kay Diwata na gusto niyang magtayo rin ng paresan at hinikayat pa raw siya nito.

Iginiit naman ni Rosmar na hindi niya kinakalaban ang paresan ni Diwata, lalo pa’t malayo raw ang Laguna sa pwesto ng paresan ni Diwata sa Pasay City.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section