Maraming netizens at historians ang nagsasabi na karapat-dapat kilalanin bilang isa sa mga presidente ng Pilipinas ang dating Heneral na si Miguel Malvar.
Si Miguel Malvar ay isang Pilipinong Heneral na naglingkod noong himagsikan ng Pilipinas at noong kasagsagan ng digmaang Pilipino-Amerikano, siya ay tubong Batangas at ipinanganak noong September 27, 1865, bukod sa siya ay galing sa mayaman at tanyag na pamilya, kilala rin siya sa kanyang kasipagan at angking kabutihang loob.
Siya ay nakapag-aral sa isang sikat na institusyon sa Batangas, kalaunan nagdesisyon ito na huwag na ituloy ang kanyang pag-aaral at mamuhay na lamang ng simple bilang isang magsasaka, hindi nagtagal ay nahalal siya bilang kapitan munisipal ng kanilang bayan. Taong 1892 nang siya ay naging gobernador silyo, sumali siya sa Katipunan at sa pagsiklab ng rebolusyon ay pinamunuan niya ang isang maliit na puwersa laban sa militar ng Espanyol sa Tagaytay Batangas.
Matapos nito nagdesisyon siya na makipag-kaisa sa pinuno ng rebolusyon ng Cavite na si Emilio Aguinaldo, ipinadala siya ni Aguinaldo upang magtanggol sa tulay ng Zapote kung saan nakipaglaban siya kasama si General Edilberto Evangelista, ang nasabing labanan din na ito ang naging dahilan ng pagkasawi ni Evangelista, nagsunod-sunod pa ang mga laban na naipanalo ni Malvar kagaya na lamang ng mga labanan sa Indang, Bailan, Magallanes, at Alfonso.
Kaya naman noong March 31, 1897 itinaas ang kanyang katungkulan bilang tenyente Heneral, nakipaglaban rin siya sa mga puwersang Amerikano sa Muntinlupa, San Pedro tunasan, Kalamba, at Kabuyaw, kaya naman hindi nagtagal ay hinirang siya bilang Division General at Chief of the Second Zone in Command.
Si Malvar ang naging pangalawang pinuno ni Heneral Mariano Trias na siyang pangkalahatang Commander ng puwersa ng mga Pilipino. Noong mga panahon rin na ito nagsimula na magpalipat-lipat ng lugar si Emilio Aguinaldo upang magtago sa mga Amerikano, hindi nagtagal ay nahuli ito
sa Isabela.
Dahil sa pagakakahuli ng presidente Aguinaldo ang malaking katanungan, Sino na ang papalit sa kanyang pamumuno? Malamang marami ang magsasabi sa inyo na ang hahalili dito ay si Mariano Trias, dahil siya ang sumunod na may mataas na kapangyarihan ngunit bakit nga ba hindi ito nangyari? Ito ay dahil bago pa man mahuli si Aguinaldo ng mga Amerikano ay nauna ng nahuli si General Trias, sa pagkakahuli sa dalawang nasa mataas na kapangyarihan si Malvar ang naging pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas bilang humalili kay Aguinaldo.
Hinimok ni Malvar ang pagpapatuloy sa paglaban, sa pag-atake ng Amerika, at sinikap nito na maipagpatuloy ang laban para sa kalayaan ng kanyang bansa, dahil dito ay mas lalo pang pinahirapan ang puwersa ng mga Amerikano ang mga gerilya, sinunog ang mga ito ang iba’t ibang nayon na maaaring pinagtataguan ng kampo ni Malvar. Maging ang mga hayop at pananim ay sinunog din ng mga ito sa layunin na gutumin ang mga pilipinong lumalaban sa kanila.
Sa sunod-sunod na paghihirap na dinanas napilitang sumuko ang mga lider ng gerilya tanging si Malvar na lamang kasama ng kanyang pamilya at ilang sundalo ang naiwang lumalaban, dito nanggaling ang kanyang moniker na “The Last General to Surrender”. Nang mapansin niya na unti-unti ng nagkakasakit at nanghihina ang kanyang pwersa dahil sa gutom, nagdesisyon ito na sumuko na rin sa mga Amerikano. Tumungo siya sa tanggapan ni General Franklin J. Bell at sumuko noong April 16, 1902. Bilang pagkilala sa kanyang kapansin-pansin na tapang at pagkamakabayan siya ay hindi nabilanggo o ipinatapon, pinahintulutan siya umuwi kasama ng kanyang pamilya at nasasakupan.
Kalaunan siya ay inalok sa pagka-gobernador ng Batangas ngunit magalang niya itong tinanggihan, sa edad na 43 siya ay namatay dahil sa sakit sa atay noong October 13, 1911 ngunit hindi sa kanyang pagkamatay natapos ang
kanyang kwento dahil hanggang ngayon ay nananatili pa ring kontrobersya, kung siya ba ay dapat kilalanin bilang pangalawang presidente ng Pilipinas.
Noong October 2011 naghangad ng tulong si pangalawang pangulo Jejomar Binay sa mga mananalaysay na iproklama bilang karapat-dapat na ikalawang pangulo ng Pilipinas ang rebolusyonaryo Heneral Miguel Malvar, subalit sa kasalukuyan hindi pa rin ito kinikilala ng pamahalaan ng Pilipinas, gayon pa man bilang pagpupugay sa kanyang kabayanihan itinalaga ng dating Pangulong Benigno Aquino the third ang kanyang kaarawan bilang special non working day sa lalawigan ng Malvar Batangas.
Para sa inyo dapat nga bang iproklama si Heneral Miguel Malvar bilang pangalawang presidente ng Pilipinas? Ikomento ang inyong sagot sa comment section. Credits: Youtube