CARLOS YULO, TUMANGGAP NG BAGONG P5M LAND CRUISER PRADO – NETIZENS NAGTAKA NASAAN SI CHLOE SAN JOSE?


Pinoy pride at two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ay opisyal nang natanggap ang kanyang bagong Land Cruiser Prado mula sa Toyota Motor Philippines noong Lunes, Setyembre 16, 2024, sa Sta. Rosa, Laguna. 

Ang sasakyan, na nagkakahalaga ng 5 milyong piso, ay isang 2025 model na may 2.4 turbo engine at automatic transmission.

Bilang isa sa mga pinakamatagumpay na atleta ng Pilipinas, patuloy na bumubuhos ang suporta mula sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta. 

Sa kabila ng maraming positibong komento, hindi naiwasang itanong ng ilan kung nasaan ang nobya ni Carlos na si Chloe San Jose, dahil hindi ito kasama sa mga larawan na kuha mula sa event ng pagkuha ng sasakyan. Alam ng marami na kasama parati ang nobya nitong si Chloe kung may tatanggapin na award si Carlos Yulo.

Bagama’t hindi malinaw ang dahilan ng kanyang kawalan sa okasyon, nananatiling masaya at masigla ang suporta ng mga fans para kay Carlos, na patuloy na nagdadala ng karangalan sa bansa. 

Ang bagong Land Cruiser Prado ay isa lamang sa maraming gantimpala at pagkilala na natanggap niya bilang patunay ng kanyang dedikasyon at kasipagan bilang isang atleta.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section